HOME STORIES

Sunday 7 March 2021

Bastusin mo ako Sir - Part 14

Video Link
Panulat ni sweetNslow

Nagsimula nang magsilipat ang ibang nurses at interns sa bed 2 mula sa bed 1.Mukhang stable na ang pasyente dito. Nang makita sila ni Daniel ay agad nitong binitawan ang ambubag na sinalo naman ng babaeng nurse na dumating sa kanyang tabi sabay pasalamat sa kanya nito na ginantihan lamang ni Daniel ng ngiti at pagtango.

Nakangiting lumapit ang kanilang CI. Pawisan ito. Nabigla ang lahat sa sumunod na pangyayari...Biglang pinunasan ni Mailyn ng panyo ang pawis mula sa mukha ng guro.

"Ang galing mo, Sir!" sabi nito.

Nailang si Daniel at disimuladong inalis ang kamay ng dalaga sa kanyang mukha pagkatapos mag thank you dito. Tinignan niya ang reaksyon ni Marie. Galit...Naiimagine ni Daniel ang isang torong umuusok ang ilong at handang manuwag. Napatawa ang lalaki. Nagseselos si Marie.

"O, Marie...bakit parang di maipinta ang mukha mo?" simpleng pang aasar nito.

Fake ang ngiting isinukli nito sa kanya.

"Masakit lang ang baba ng tyan ko sir." sagot nito nakatitig sa kanya. "mukhang magkaka meron na ko." Dagdag nito.

"Ah, uminom ka ng gamot ha?" natatawang sundot nito kay Marie.

Nang mga oras na yun...Dalawang bagay lang ang nasa isip ni Marie: Una, sabunutan si Mailyn. Ikalawa, pag untugin ang kanyang CI at ang malandi niyang kaklase. Nilalamon ng inis ang katinuan ng isip niya pero alam niyang di niya magagawa ang naiisip niya.

"Opo, sir" sagot niya uli. Hmp...lagot ka sa kin mamaya Sir. May kung ano na namang namumuo sa isipan ni Marie...

...ALAS TRES na nakabalik ang buong grupo sa kanilang university. Iniwan na sila ni Daniel pagdating nila sa hallway ng collegfe of nursing. Kumindat pa ito sa grupo bago tuluyang nagpaalam at ngiting ngiti...Alam ni Marie para sa kanya ang kindat at ngiting iyon. Pilyo talaga tong Sir Dan ko...Sir Dan ko? Napapatawa sa sarili si Marie. May tuwa siyang nararamdaman at nasasabay ang kanyang pag iling sa kanyang pagngiti. Sir Dan ko? Inaangkin na niya ang CI niya? Hahaha. Patay ka, Marie pag nagkabukuhan dagdag pa ng isipin niya ngunit di pa rin niya mapigil ang pag ngiti.

"Oy Marie! Ayan ka na naman...para kang sirang tumatawang mag isa." Pansin ni Mailyn.

"Share mo naman" pakiusap nito. 

Tinignan siya ni Marie na natatawa pa rin. Ano ko bale? sa isip isip nito. Lalandiin mo lang lalo ang Sir Dan ko! ...Yup...Sir Dan ko talaga at hindi Sir Dan mo, Mailyn. Sa isip niya lang namumutawi ang mga salitang yun pero may satisfaction itong hatid sa kanya.

"Wala..." sagot niya kay Mailyn..."Una na ko...Late na ko sa minor subject ko" dugtong nito at masiglang naglakad sa direksyon patungo sa hagdan na maghahatid dito sa second floor.

Sinimangutan ni Mailyn ang nakatalikod at papalayong si Marie. BFF (best friends forever) pa naman ang turingan nila. Sanay na silang nag aasaran. Pero may kakaibang sigla talaga ang kaibigan niya at di niya mapinpoint kung ano ang dahilan. Alam niyang may BF na ito. Alam niyang tulad niya ay di na ito virgin. Pero wow ha. Di niya madalas nakikita na ganito kasigla ang kaibigan niya. Hmnn...ewan! At naupo na ulo siya sa bench. Isang oras pa bago ang next subject niya. Di naman niya sinasadya pero napalipat ang tuon ng isipan niya kay Sir Daniel at sa bagong admirasyon na umusbong sa kanya para sa kanyang CI.

NAPATINGIN si Daniel sa kanyang relo. Tsk. Alas Singko na di ko pa natatapos tong test papers na ipiprint ko. Grrr. Nag iisa na siya sa faculty room. Nagsiuwian na halos ang mga CI at Profs. Mas gusto naman ni Daniel na ganitong solo siya at nakakapagconcentrate siya ng husto. May naulinigan siyang nagtatawanang papasok sa faculty room. Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Hindi niya kumpletong nakikita ang pintuan mula sa desk niya maliban sa last 1/4 na bahagi nito sa taas. May divider kasing nakahadlang para may konting privacy ang mga CI at profs mula sa kanilang teacher...nakahilera naman ang mga desks at swivel chairs na parang malaking classroom ang buong faculty room. At sa pinakadulo ng faculty room ay ang office ni dean. Upang makita ni Dan ang sinumang papasok sa pinto kailangan niyang tumayo sa swivel chair at tumingin ng kanang direksyon. sa Tantya niya halos 6 feet din ang taas ng divider at kinakailang niyang tumingkayad o di kayay hintayin na lang mismo na maglakad papasok ang bawat tao upang makita nya ang mga ito ng tuluyan. Di nga siya nagkamali. Sa mga boses pa lang alam na niyang ang dalawa niyang alipores ito...Si Gary at Ver.. Panay ang halakhak ni Gary habang nagkukuwento si Ver.

"Tapos?" narinig niyang tanong ni Gary kay Ver.

"Sabi nung asawa niya pagkatapos siyang batuhin ng pinggan...Tangna ka...Charlotte ang pangalan ng kabayong tinayaan mo ha? Ulul..Tumawag yung kabayo mo sa telepono kanina at hinahanap ka!" paglalahad ni Ver at sabay na naghalakhakan ng malakas ang magkaibigan. 

Binulyawan ang mga ito ni Daniel.

"Hoy dalawang mokong...pede ba...tahimik ng konti at nakakasira kayo ng konsentrasyon!"

Napatahimik ang dalawang lalaki at dahan dahang nilapitan si Daniel. Sumilip ang mga ito mula sa likuran ng nakaupong CI at nakikita nila ang ginagawang test paper nito sa kanyang desk. Sinenyasan ni Ver si Gary at tumango naman ang huli. Biglang sinapumulupot ang braso ni Gary sa ilalim ng baba ni Daniel at iniangat ito pabalik. Automatikong pinigilan ni Daniel ang braso ni Gary ng kanyang mga kamay dahilan upang umangat ang mga ito sa test paper na ginagawa niya. Biglang hinablot ni Ver ang papel na sinusulatan ni Daniel at mabilis na lumipat sa desk ni Gary na kasunod ng desk ni Daniel. Pinakawalan ni Gary si Daniel at mabilis na umilag sa sipang pinakawalan nito at patalong lumipat sa kanyang desk. Nakibasa siya sa papel na binabasa nang tahimik ni Ver.

"Ano sa palagay mo, pare?" kunwa'y tanong ni Ver kay Gary.

"Mukhang mahirap to ah." patango tangong sagot ni Gary.

Nakasandal sa swivel chair si Daniel. Inihahanda ang sarili. Alam niyang may punchline na kasunod ang sasabihin ng mga ito. Di nga siya nagkamali.

"Ang hirap...basahin ng penmanship mo!" pang aasar ni Ver.

"Parang sa babae, pre..." sundot ni Gary..." na matindi ang sakit na nararamdaman dahil sa rayuma pero nagpipilit pa ring magsulat.."

"Ang galing naman ng analogy mo, Brad." at medyo kinenkoy ni Ver ang mukha nito kay Gary.

Nang tignan nila si Daniel sa desk nito...nakita nilang nakataas ang mga braso nito at level ang kamao sa mukha. Sa dulo ng mga brasong ito ay nakakuyom ang mga palad ngunit ang bawat pang gitnang daliri ay nakatirik. Naghalakhakan lalo ang mga alipores ni Daniel pero iniabot na rin nila ang papel sa dito at nagsibalik sa kani kanilang desk. Inayos ng mga ito ang kani kanilang gamit samantalang nagpatuloy si Daniel sa kanyang ginagawa.

Maya maya pa'y sabay nang nagpaalam ang dalawang mokong.

"Una na kami, Dan..." paalam ni Ver. " 6pm bukas ha?" dagdag pa nito.

"Ok" sagot ni Daniel na hindi man lang tinignan ang mga kaibigan.

"Dan," pasigaw na sabi ni Gary." Text mo si Joan at sabihin mo sa Monday na lang kami mag usap...Walang charge ang phone ko" pahabol na paliwanag nito.

"Oo na! Lumayas na kayo!" pasigaw ding sagot ni Daniel. Sawakas sa loob loob niya. Matatahimik na rin ang paligid.

Wala pang ilang minuto ay narinig ni Daniel ang pagbukas ng pinto. Nailing na lang siya pero di inalis sa kanyang ginagawa ang atensyon. May nakalimutan siguro. Nararamdaman niya ang papalapit na mga yabag sa kanyang desk kaya nagsalita siya kahit nakatungo pa rin sa kanyang ginagawa.

" Ano na naman yun!" padabog niyang tanong na nakatungo pa rin. Naiinis na siya ha.

" Bakit galit ka?" 

Marahan at parang nagmamaktol ang tinig na narinig ni Daniel. Hindi lalaki. Hindi si Ver o si Gary. Iniikot niya ang swivel chair upang makaharap ang pinanggalingan at ngayon ay nakaharap na nga siya sa babaeng parang paiyak na. Si Marie!

ITUTULOY.....

No comments:

Post a Comment

MORE TRENDING STORIES