HOME STORIES

Sunday 7 March 2021

Bastusin mo ako Sir - Part 10

Video Link
Panulat ni sweetNslow

Naging magtropa sila since nag umpisang magturo si Daniel at Ver sa unibersidad na yun. Medical-Surgical ang tinuturo ni Ver. Theoretical at RLE. So may araw na nagtuturo ito sa classroom. At may araw na CI ito sa affiliate hospitals ng University. In fairness, magaling magturo ang tatlo. Sa Last evaluation na ginawa sa mga estudyante ng Nursing, 1-2-3 ang rankings nila. Una si Daniel. Sumunod si Ver. Pumangatlo si Gary. Sa halos isandaang nagtuturo sa Nursing ng iba't ibang theoretical at RLE, napakaganda na ng pagkakapuwesto nila sa evaluation. Maging ang dean ng nursing na si Mrs Sanchez ay nagpadala ng card sa kanilang tatlo na nadatnan na lang nila sa kani kanilang desk. Keep up the good work! Saad ng card kung saan nakapirma ang Dean.

Maayos ang samahan ng magkakaibigan. Usually pag Friday or Saturday nakatambay sila kina Gary. Dun nag iinuman, tumutugtog at nag gigitara. May kanya kanya silang Gitarang acoustic. Puro imported pa. Pinag ipunan o pinadala. Martin ang gitara ni Gary. Halagang hindi bababa sa 50k kung itutumbas mo sa pera natin. Naka Taylor Guitar si Ver. 35k daw ang raket niya. Padala ng mahal niyang asawa ang pera at dito na lang sa Pinas niya nabili.

Si Daniel? Washburn guitar. Inabot din ng 15k at pinagipunan pa niya talaga. Puro electro acoustic ang mga ito. kapag nag iinuman sila, isinasaksak nila ang mga ito sa PA system ni Gary sa bahay na unti unti niyang naassemble at sa pagitan ng kanilang pag iinom ay ang pagla live session nila na hindi naman ikinaiinis ng mga kapitbahay. Ika nga kaya nilang magdala ng tono. Pasado na siguro kahit tumugtog sila sa Quiapo biro minsan ni Gary sa tropa. Game ako dyan laging sinasagot ni Daniel. Basta mga brod, dapat multiple branches tayo. Dapat tatlong sumbrero ilalatag natin sa bangketa ika nga. At sasabayan na nila ito ng paghahagalpakan.

"O bakit aga aga e nakasigaw ka?" tanong ni Daniel kay Gary.

"Aba, hinahanap mo daw ako sabi ni Ver." sagot nito.

"Di mo ba nareceive ang text ko?" tanong uli ni Daniel.

"Nasa pagawaan yung Nokia ko pre...Nagcrack ang screen dahil di ko naalalang nasa blazer ko. Yun nung hinubad ko...Toinks!" Nokia N95. Latest model. Kumpara sa 3310 niya at 6650 ni Ver. Laging api sa gamit si Daniel pagdating sa tropa. Pero di siya likas na inggitero. Kung may kinaiinggitan man si Daniel, yung gitarang Martin ni Gary. Talagang hanep kung tumunog.

" Ganda pa naman nung phone mong yun...Tsk pa check up ka na pre...Senyales na ng Alzheimer's Disease yan." pabiro nitong sinabi.

Papasok na sila sa Faculty room nun. wala ang ibang mga CI at prof. Either nasa klase or nakaduty sa ibat ibang hospital or community areas.

"Alam mo ba ang isinagot sa kin ng estudyante mong si Mailyn nung tanungin ko sa duty ha?" panimula ni Daniel matapos isampay ang blazer sa sandalan ng swivel chair niya at umupo na rin dun.

"Ano?" naguguluhang tanong ng kaibigan niya.

"Nung tinanong ko kung anong case study ang ipipresent nila sa end of duty rotation nila sa kin...ang sinagot ba naman..and hear this: Breast Cancer of the brain po, sir...Kumpyansa pa yung bata. Nagpapaimpress."

"Ha? Anak ng pitong puting manok na tinola oo! Yun ang isinagot?" shocked na tanong uli ni Gary.

" E di sinundot ko uli ng panibagong tanong...kako, iha...anong nilalang sa mundong ito ba ang palagay mo na nag eexist na may suso sa loob ng utak ha? Pakiexplain nga at mukhang di ko nadaanan ito sa Zoology subject ko nung nag aaral pa ako."

" O anong sabi?" sunod na tanong ni Gary na napapakamot na ng ulo.

" Eto ang clincher...namumula dahil nararamdaman na ni Mailyn na naghahagikhikan ang mga mga kagrupo niya...so ang sabi: Yan po turo ni Sir Gatchalian eh!"

Napailing si Gary sa pagkakaupo nito sa sariling swivel chair sa harap niya. Magkatabi lang kanilang desk.

" Ano sabi mo?" patuloy ang pag uusisa ni Gary na parang napapahiya sa kaibigan. Parang ramdam niya incompetent siyang prof.

"kako...Mailyn...you mean si Sir Gary Gatchalian ba kamo?"

Nakatungo si Mailyn..."Opo sir Daniel..." hiyang hiya ito.

Humagikhik na ang grupo sa pagkapahiya ni Mailyn. Medyo adelantada kasi ang nito sa mga kasamahan niya.

" So sinabihan ko ang sila...be quiet all of you! This is no laughing matter. Imagine kung ang nagtanong sa inyo ay staff nurse mismo ng ospital na ito at yun ang isinagot nyo? Hindi lang ako o Sir Gary nyo ang napahiya. Pati pangalan ng eskwelahan nyo!"

"Then?" si Gary Uli.

" Then i told them..Sumeryoso ako...sabi ko..tandaan nyo ito...ang pagclassify ng cancer ay kung saan ang origin nito sa katawan. Kung ang history nito ay breast cancer before nagkaroon ng Cancer sa utak. The right terms are: Breast cancer with brain metastasis or cancer of the brain secondary to metastasis originating from Breast Cancer."

"Naks, nagpaimpress ka naman sa mga estudyante mo." pang aasar ni Gary.

"Obyus ba? hehehe..."

"Buset!" sabay bato ni Gary ng malambot na replica ng tennis ball kay Daniel na agad naman nitong sinalo.

" Ayus ayusin mo nga pagtuturo mo, brad" pang aasar pa ni Daniel. "Mapapahiya tayo nyan ng wala sa oras. Kaya pala number 3 Ang ranking mo sa evaluation eh."

"Ah ganun?...Pwes, wala kang bagong polo blue na pabango na matatanggap sa kin...padating pa naman yung package ni misis next week" nakaismid na wika ni Gary.

"...Na dapat ikaw ang naging number 1 sa ranking at hindi ako! unfair yang evaluation na yan talaga!" sabay bawi ni Daniel.#

" Ulol!" 

At sabay naghalakhakan ang magkaibigan. Sanay na silang mag asaran. Halos parang magkapatid na turingan nilang tatlo nina Ver. Birds of the same feather are, of course, the same birds!

"Niweys, Dan, pakitext mo nga si Mailyn. Sabihin mong magreport dito sa faculty office mamayang 7pm at kakausapin ko kamo" pakisuyo ni Gary sa kaibigan niya.

"Areglado, Sir number 1...basta yung polo blue ko ha?" pang uuto ni Daniel sa kaibigan.

"Oo na! Sige akyat muna ako at may klase na ko sa 4th floor."

"Husayan mo pagtuturo ha? Baka mamaya brain cancer of the breast naman ang marinig kong sagot! muling pang aasar ni Daniel.

ITUTULOY.....

No comments:

Post a Comment

MORE TRENDING STORIES