HOME STORIES

Sunday 7 March 2021

Bastusin mo ako Sir - Part 13

Video Link
Panulat ni sweetNslow

Naglakad si Daniel sa isang space na bakante ng ER. Pinili niya yun upang di sila maka abala sa mga ER staff. Maganda rin ang vantage point nito dahil nakikita nila ang mga abalang staff na kasalukuyang nirerevive ang isang matandang lalaki sa Critical bed 1. Nababakas din sa mga mukha ng mga estudyante ang nerbyos sa nasasaksihan.

"Relax guys," umpisa ni Daniel sa kanyang grupo. " di kayo maisasalang sa area na yan but youre free to observe." pagbibigay nya ng assurance sa mga ito. Kitang kita ang relief sa mukha ng mga estudyante niya. 

"In the meantime, i didistribute ko kayo sa different areas na hindi ganun ka demanding." pagpapatuloy ng CI.

" Praktis nyo ang inyong interpersonal skills. Help the respective nurses na nakaduty sa kanilang areas by doing vital signs and writing it sa TPR sheet. make sure accurate ang vital signs ha? Report to me any unusual levels like hypertension, tachy or bradycardia and increase in temperature so i can double check it and report sa staff nurse." Seryoso pang dagdag ng CI.

"Paulo, sa triage---" hindi naituloy ni Daniel ang sasabihin. Napansin nya na parang mabibilis na nag gagalawan ang iba pang mga doktor at nurses sa ER. Inihahanda ang Critical Bed 2. Napabuntonghinga si Daniel. Alam niya na ang mangyayari. Toxic ito. nakikita nyang hindi pa rin stable ang nirerevive sa Critical Bed 1 ang pasyente dun,
May nurse na inihahanda ang Ecart (emergency cart trolley).

"Diyan lang kayo, OK...Observe muna kayo," bilin nang CI sa kanyang grupo at nagmamadaling pumunta sa nurse na nasa Ecart.

Nakatunganga lang ang mga estudyante sa CI nila. Pinanood nila ito. Mukhang magkakilala sila nung babaeng nurse. Naririnig nila ang mga salitang heart attack at stroke mula sa kausap ni sir. Tatango tango naman ang kanilang CI. Inabutan ito ng isang bag ng IV fluid nung nurse na automatikong tinanggap ng CI. Dumukwang sa Ecart Daniel at mula sa kamay nito ay may nilabas na tubings para sa suwero. May hawak na ring bag ng IV fluid ang babaeng nurse at tubings. Para silang mga robot na pina prime ang mga tubings na nakasaksak na at matapos masiguradong wala nang hangin ang mga tubings ay isinabit nila ito sa hook na naka dangle mula sa taas at tapat mismo ng bed. Alam ng mga estdyante na bumukas ang main entrance ng ER dahil sa nadagdag na ingay. Nila ang stretcher bed na itinutulak ng ambulance crew laman ang isang lalaki na middle age na siguro ang edad. Habang iniislide nila ang pasyente palipat sa Critical bed nagsasalita ang isa sa ambulance crew. 

"Blocked ang IV line ko!" malakas nitong sabi.

Pagkalapag ng pasyente sa kama, mabilis na tinalian ni Daniel ng Tourniquet ang braso nito. Parang hyperspeed ang kilos ng lahat. Ang isang duktor ay may nakatuntong sa isang stool sa pagitan ni Daniel at ng babaeng nurse na kasalukuyan naman naglalagay ng BP cuff na nakakabit sa automatic BP machine. Ang nasabing duktor ay may hawak na instrumento at isinasaksak sa bibig ng pasyente na halos wala nang reaksyong makikita.
Ang CI nila ay may hawak ng karayom. Tinapik tapik ang ugat sa nakalaylay na kamay ng lalaki at suwabeng ipinasok dun ang karayom. Nagbackflow ang dugo mula dun at mabilis na diniinan ni daniel ang taas na bahagi ng ugat upang hindi ito tumagas.

"May line na ako!" sigaw ng CI nila.

Di alam ng mga estudyante kung saan nagmula ang ER manager pero nakita na lang nilang inaabot nito sa CI nila ang tubing ng naprime ni Daniel earlier. Mabilis itong naikabit ng lalaki at pinihit ang parang munting gulong sa katawan ng plastic tube upang dumaloy ang suwero.

"Doc, naka fast drip na tayo," sabi nito ng malakas upang madinig ang boses niya.

"BP natin?' malakas na tanong naman ng doktor na nasa kabilang side ng bed. Binibigyan nito ng paulit ulit na chess compression ang pasyente habang patuloy pa rin ang doktor sa tabi ni Daniel sa pag iinsert ng tubo sa bibig ng pasyente.

"Palpable doc,:" sagot ng babaeng nurse.

"Atropine stat !" utos ng doktor.

Nakita nilang kumalas si Daniel at suwabeng nakipagpalitan ng puwesto sa babaeng nurse. May kinuha si Daniel sa Ecart. Nakita nilang may hawak itong gunting at may ginugupit bandage tape. 

Tinantya ni Daniel ang haba ng bandage tape. May 4 inches ang lapad nito. Nang matantya niya ang tamang haba, pinutol niya ito at nang maputol ay sinimulan niyang gupitin ng pahaba ngunit di nya ito sinagad. Inulit niya ulit ang pag gupit sa nasabing tape at hindi niya rin sinagad. May hawak siyang tape na parang may tatlong rectangular shaped na mahabang daliri na pinag nakakabit na nagiging isang malapad na square sa dulo.

"Im in!" malakas na sambit ng doktor patungkol sa endotrachial tube na ipinasok nito sa pasyente. Idinikit ni Daniel ang tape sa kanang pisngi ng pasyente at kalmadong inligay ang unang daliri ng tape sa kung saan tumutubo ang bigote ng lalaki. Ang panggitnang daliri ay maingat niyang pinulupot sa plastic tube na ngayon ay nakasaksak na sa pasyente at nang matapos itong gawin, idinikit niya na rin ang huling daliri ng tape sa taas ng chin nito upang i secure ang tubo samantalang ang chinitang Medical Intern naman ay ikinabit ang ambu bag na hawak nito na may pasadyang locking mechanism sa dulo ng Endotrachial Tube na bagong kabit . Nagsimula itong piga pigain ang ambubag upang mag introduce ng oxygen sa katawan ng pasyente.

Halos magkadikit na ang chinitang intern at ang CI nila. Hndi nagtagal at nakita nilang binunggo bunggo ng CI ang chinitang intern sa tagiliran nito na lumingon naman kay Daniel.Mabilis na tumango si Daniel. Naintindihan ng intern ang gustong mangyari ni Daniel kahit walang salitang namamagitan sa kanila. Binitiwan nito ang ambu bag na agad namang hinawahan ni Daniel. Nakita ng doktor na nagtsi chest compression ang ginawa ng kanilang CI. Tumigil ito sa pag pump ng kamay at binigyan daan ang chinitang intern na siyang nagpatuloy sa pagko compression. Samantala tinignan ng doktor ang monitor.

"Nurse?" tanong nito sa babaeng nurse na tingin ng tingin sa relo nito.

"5 minutes na po, doc" mabilis nitong sagot

"Another atropine," mabilis nitong desisyon.

Samantala, magkahalong excitement, nerbyos at paghanga ang nararamdaman nila. Excitement dahil sa scenariong nakikita nila. Nerbyos dahil naiimagine nila ang kanilang sarili sa ganung sitwasyon. Umiral ang self doubt. Kakayanin kaya nila ang ganito? Ngunit nangibabaw sa kanilang lahat ang bagong tuklas na admirasyon sa kanilang Sir Daniel. Parang nag Super Saiyan ito sa paningin nila. Sigurado at mabilis ang kilos. Alam na alam ang ginagawa. Kompyansa. At lalong naging lalaking lalaki ito sa pananaw nila.

"Ang galing ni, Sir ," bulalas ni Paulo. "nababading ako sa kanya!" dagdag pa nito.

"Gaga! Matagal ka nang bading!" kontra ni Mailyn sa kaklase. Pero di niya maitatago na kahit siya ay napahanga ng CI nila. Pakiramdam niya kaya siyang sagipin nito sa anumang sitwasyong magiging delikado ang buhay niya. Siyet, crush na kita Sir, naiiling niyang sabi sa sarili niya.

HIndi umiimik si Marie. Hindi show off ang CI nila. Hindi ito nagpapaimpress. Natural ang galaw nito. May steely disposition nasabi niya sa sarili. Di ka lang pala sa kama magaling sir, dagdag pa ng kanyang isipan. Pero Naiinis din siya kanina pa dahil parang super friendly yata ang CI nila sa babaeng nurse na yun. At pati yung intern, parang ito pa mismo nagkikiskis ng braso nito sa kanyang CI. Napatungo si Marie sa sarili nitong palad at iiling iling. Sus ginoo. Nagseselos ako! waaaaaa!


ITUTULOY....

No comments:

Post a Comment

MORE TRENDING STORIES